beta
Search
Home Friends Blogs Exchange Directory Forum Jobs Advance Search Chat Room Invite Friends
Alaeh Forum
September 05, 2010, 09:18:31 PM *
Welcome, Guest. Please login or register.

Login with username, password and session length
News: wELcOME sA aLaEh fORuM!!!!!
 
   Home   Help Search Login Register  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: 15 bata nawawala sa Batangas  (Read 1361 times)
pangkalizer
Administrator
Full Member
*****

Karma: +2/-0
Posts: 114


pangkalizer
View Profile Email
« on: February 27, 2008, 10:41:14 PM »

BALOT ngayon ng tensiyon ang mga residente sa buong lalawigan ng Batangas matapos kumalat ang text messages hinggil sa diumano’y laganap na “kidnapping” ng mga bata kung saan kinukuha umano ang internal organs ng mga ito. Kasabay nito, patuloy pang kinukumpirma ng Taliba na umabot na umano sa15 bata ang sinasabing nawawala sa mga bayan ng Libjo, San Juan at Cuenca, pawang sa Batangas.

Ang pinakahuli umanong nawawala ay isang batang taga-Padre Garcia, Batangas na
inaalam pa ang pangalan. Kinilala naman ang da-lawa sa mga batang nawala mula sa Ibaan, Bata-ngas na sina Fatima Bosita, 6, at Patricia Patena, 5 ng Barangay Poblacion. Bigla na lamang umanong nawala ang dalawang bata habaang naglalaro sa harapan ng kanilang tahanan kamakailan.

Kaugnay nito, tikom naman ang bibig ng mga awtoridad sa balita ngunit kapansinpansin
ang itinayong kabi-kabilang checkpoint sa iba’t ibang bahagi ngayon ng Batangas.
Batay sa nakasaad sa kumalat na text message, isang van diumano ang ginagamit
ng mga kidnapper sa kanilang operasyon. “Guyz, confirmed na 22o ung mga nangunguha ng internal organs ng mga bata. Pati teenagers na dn daw. Plate number ng white van VMM 507. May mga checkpoint na.

Napagsabihan na ang mga skulz. Target ng sindikato ay itong Batangas. Plz guys.
Ingat kau.. Juz care kaya take gud care of urself. Tnx. Plz 4ward”, ang isinasaad ng
nasabing text message.

Ayon pa sa text, sa Libjo at Ibaan ay may natagpuan na umanong bangkay ng mga
batang nabiktima ng sindikato. May nagsasabing mayroon umanong bata sa ba-yan ng Cuenca ang naging biktima ng grupo. Tinanggalan umano ng mata, kidney at puso ang bata saka iniwan sa gilid ng kalsada na may naka-singit na P20,000 sa ka-tawan nang matagpuan ang angkay nito. “Walang lalabas na ganyang balita kung hindi totoo,” pahayag ni Gng. Maring Macatangay na nakapanayam ng Taliba.

“Halos masira nga raw ang ulo ng nanay nu’ng bata dahil nang makita ang anak ay patay na tapos wala na ang mga laman- loob at may nakitang nakasipit daw na pera sa katawan,” aniya pa. Isang insidente pa ang sinasabing isang bata ang natagpuang patay ma-lapit sa SM Batangas City, wakwak na diumano ang bahagi ng dibdib at nawawala umano ang puso nito. Sa tabi umano ng bata ay natagpuan naman ang halagang P5,000. Bago ito, isa ring text message ang natanggap ng Family Council ng Sta. Theresa College sa bayan ng Bauan na may kaugnayan din sa nasabing pangingidnap ng mga bata. Sinasabi sa test message na isang lalaki ang binugbog umano ng taumbayan matapos masukol ng ina ng batang tangkang kidnapin na hinahatak pasakay ng van
ang kanyang anak. Agad umanong nagsisigaw ang ina kung kaya’t naalerto ang taumbayan.
Nabahala ang lahat ng mga magulang kung kaya’t agad nilang pinauwi sa kanilang mga taha-nan ang kanilang mga anak nitong nakalipas na Biyernes. Bunsod ng mga kumalat na balita, naging mahigpit na ang ginagawang pagbabantay ng mga magulang sa kani-lang mga anak.
Ilang mga barangay na sa Batangas ang sinasa-bing halos wala nang ma-kikitang mga bata ma-karaang pagbawalan ng kanilang mga magulang na lumabas sa takot na mabiktima ng grupo.
Una rito, tatlong kalalakihan na mula sa Pampanga ang nasakote ng pulisya sa ulat na nagbebenta umano ng internal organs ng tao, na nag-o-operate sa Calabarzon (Calamba, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) area.

Kinilala ni Chief Insp. Jess Kabigting, deputy group director ng 416th Provincial Mobile Group sa Quezon ang mga naarestong suspect na sina Pedro Yangco ng Barangay Caldura, Apalit; Ricardo Yangco ng Barangay Sto. Niño at Elmer Pangilinan ng Barangay Sapang Pari, pawang mga taga-Macabebe, Pampanga. Nasakote ang tatlo sa isang checkpoint sa Macalelon, Quezon matapos ma-rescue ang 10-anyos na bata na nakilalang si Mark Joseph Mosnit noong Martes.
Logged

just thinking aloud...
Faye
Newbie
*

Karma: +1/-0
Posts: 13



View Profile
« Reply #1 on: March 27, 2008, 07:44:05 PM »

Naku, talaga bang totoo ito?  Angry  Angry  Angry Kahit pa me kalakip na pera yung patay na katawan ng mga bata, di pa rin matutumbasan nun yung mga buhay na kinuha nila.... nagkukunwari pa silang naawa.... Wala silang karapatang kumitil ng buhay...

Bakit ang dami namang taong grasa at mga walang tahanan na palakad lakad lang sa kalye pero hindi naman nila kinukuha... dahil ba hindi malusog organ mga ito?...

TSk! TSk! kelangan talaga ng agarang aksyon para mapigil tong lumalalang kidnapping na to... Mga opisyales ng Pamahalaan at mga PULISYA....Ngayon nyo patunayan na mahal nyo talaga ang mga Batangueno.
Logged
apolthegreat
Newbie
*

Karma: +0/-0
Posts: 5


apolapuntar
View Profile WWW
« Reply #2 on: April 21, 2008, 11:06:28 PM »

May mga nagsasabi na di daw totoo. May nagsasabi naman na may kakilala silang biktima.

basahin nyo rin to:

Gang selling human parts seizes 30 kids
Logged

Proud Batangueno!
pangkalizer
Administrator
Full Member
*****

Karma: +2/-0
Posts: 114


pangkalizer
View Profile Email
« Reply #3 on: April 26, 2008, 10:14:03 AM »

totoo po ito... i can assure that. taga dito sa amin sa ibaan ang dalawa sa batang nawala...

kakalungkot lang na nung mainterview ng isang istasyon ng tv ang ating gov. vi ay pinabulaanan nya na may mga nawawalang bata... tsk tsk tsk.. kung ako yung magulang ng mga bata.. sunugod ko na yun sa kapitolyo..... hehehe bigyan ko ng bear brand.

but the good news!!! weeks ago natagpuan ang maraming nawawalang bata  sa isang warehouse. sa may taysan, batangas buti kasama dun yung taga sa amin.

it is said na kinukumpleto lang daw yung group para i ship sa hongkong. human smuggling and child trafficking kundi naagapan..

ingatan na laang po ninyo ang inyong mga anak... bagya na nagawa eh....



Logged

just thinking aloud...
Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1 RC3 | SMF © 2001-2006, Lewis Media Valid XHTML 1.0! Valid CSS!